isang gabing walang magawa sa krus na ligas

minsan sa aking paglalakbay natagpuan ko ang aking sarili na tumitipa sa harap ng isang kompyuter na nakalagak sa isang kompyuter shop na matatagpuan sa krus na ligas. Ito ay sa kadahilanang kinailangan kong lumikom ng mga librong maaari kong gamitin sa aming ginagawang thesis kaya napadpad ako sa Unibersidad ng Pilipinas-Diliman. Sa aking palagay, kinailangan din ng aking katawan ang mas mataas na temperatura dito sa maynila kasya sa temperaturang bumabalot ngayon sa Baguio..maaari rin na kailangan kong makalayo sa lugar kung saan madami ang aking ginagawa, gagawin at dapat tapusin..minsan sa buhay ng tao, kinakailangan din natin ang lumayo sa bawat bagay na gumugulo sa ating isipan. Kahit sabihin pang mas nararapat gawin ang manatili sa lugar ng bagay na ito. Minsan nakakatulong ang mapadpad sa ibang lugar para maranasan natin ang mabuhay minsan sa panahon na para na tayong mamamatay, sa hirap, lungkot at pasakit na ating dinaranas..ang bawat araw ay dapat maging makabuluhan datapwat ito’y nararapat din nating gamitin sa masasayang bagay…;)

Bookmark and Share

Leave a Reply